Ngunit ngayon ay sinabi ko sa kanila, “Nakita nʼyo ang nakakaawang kalagayan ng lungsod natin. Giba ang Jerusalem at sunog ang mga pintuan nito. Muli nating itayo ang pader ng Jerusalem upang hindi na tayo mapahiya.” Sinabi ko rin sa kanila kung gaano kabuti ang Diyos sa akin at kung ano ang sinabi ng hari sa akin.
Sumagot sila, “Sige, muli nating itayo ang pader.” Kaya naghanda sila upang simulan ang mabuting gawaing ito.