Sinabi pa ni Hesus, “Ang paghahari ng Diyos ay maihahalintulad dito: May isang taong naghasik ng binhi sa kanyang bukid. Habang nagtatrabaho siya sa araw at natutulog sa gabi, ang mga binhing inihasik niya ay tumutubo at lumalago, ngunit hindi niya alam kung paano ito nangyayari.