Humahatol kayong panig
sa mga nagbibigay ng suhol sa inyo.
At kayong mga pari
ay nagpapabayad sa pagtuturo.
Ganoon din kayong mga propeta,
nanghuhula kayo dahil sa pera.
Umaasa rin kayong tutulungan kayo
ng PANGINOON,
dahil ayon sa inyo,
‘Kasama namin ang PANGINOON.
Kaya walang anumang
masamang mangyayari sa amin.’