1
Mateo 27:46
Ang Salita ng Diyos
ASD
Nang mag-alas tres na ng hapon, sumigaw si Hesus nang malakas, “Eli, Eli, lema sabachtani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit nʼyo ako pinabayaan?”
Paghambingin
I-explore Mateo 27:46
2
Mateo 27:51-52
Nang sandali ring iyon, nahati mula sa itaas hanggang sa ibaba ang kurtina sa loob ng Templo. Lumindol sa buong lupain at nagkabitak-bitak ang mga bato. Nabuksan ang mga libingan at maraming banal ang muling nabuhay.
I-explore Mateo 27:51-52
3
Mateo 27:50
Muling sumigaw nang malakas si Hesus at nalagutan ng hininga.
I-explore Mateo 27:50
4
Mateo 27:54
Ang kapitan ng mga sundalo at mga kasama niyang nagbabantay kay Hesus ay nasindak nang mayanig ang lupa at nang makita ang lahat ng mga pangyayari. Sinabi nila, “Totoo ngang siya ang Anak ng Diyos!”
I-explore Mateo 27:54
5
Mateo 27:45
Nang mag-alas dose na ng tanghali, dumilim ang buong lupain sa loob ng tatlong oras.
I-explore Mateo 27:45
6
Mateo 27:22-23
Nagtanong pa ulit si Pilato, “Ano ngayon ang gagawin ko kay Hesus na tinatawag na Mesias?” Sumagot ang mga tao, “Ipako siya sa krus!” Tinanong sila ni Pilato, “Bakit, ano ba ang nagawa niyang kasalanan?” Ngunit lalo pang sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus!”
I-explore Mateo 27:22-23
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas