Patingin nga ng perang ipinambabayad ng buwis.” Iniabot nila sa kanya ang pera. Tinanong sila ni Hesus, “Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit sa pera?”
Sumagot sila, “Sa Emperador.”
Kaya sinabi niya sa kanila, “Kung ganoon, ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos.”