Ngunit hindi dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo. At ang sinuman sa inyo na gustong maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo. Maging ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at magbigay ng kanyang buhay para maligtas ang maraming tao.”