Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos,
ibabagsak niya
ang mga taong makapangyarihan.
Kahit na malakas sila,
walang katiyakan ang buhay nila.
Maaaring hayaan sila ng Diyos
na mamuhay nang panatag,
ngunit binabantayan niya
ang lahat ng kilos nila.
Maaari rin silang magtagumpay,
subalit sandali lang iyon
dahil hindi magtatagal
ay mawawala sila
na parang bulaklak na nalalanta
o parang uhay na ginapas.