Ito ang salita ng PANGINOON na ipinahayag niya kay Propeta Jeremias tungkol sa Filistia noong hindi pa sinasalakay ng Faraon ang Gaza:
Ito ang sinasabi ng PANGINOON:
“May bansang sasalakay mula sa hilaga
na tulad ng bahang aapaw
sa buong lupain.
Wawasakin ng bansang ito ang lahat ng lungsod
pati ang mga mamamayan nito.
Magsisigawan at mag-iiyakan
nang malakas ang mga tao;
dahil sa takot.