“Ako mismo ang magtitipon sa mga natitira kong mamamayan, ang aking kawan, mula sa ibaʼt ibang lugar kung saan ko sila ikinalat, at dadalhin ko sila pabalik sa lupain nila at muli silang dadami roon. Bibigyan ko sila ng pinunong magmamalasakit at mangangalaga sa kanila, at hindi na sila matatakot o mangangamba, at wala nang maliligaw sa kanila,” sabi ng PANGINOON.