Kaya dinala sila ni Gideon sa ilog. At dooʼy sinabi ng PANGINOON, “Ibukod mo ang lahat ng uminom ng tubig sa kanilang kamay na parang umiinom na aso, at ibukod mo rin ang uminom nang nakaluhod.” May tatlong daang katao ang uminom sa kanilang mga kamay, at ang iba naman ay uminom na nakaluhod.