Sa simula pa lang, sinabi ko na
ang mga mangyayari sa hinaharap.
Ang aking mga inihayag
ay magaganap,
at gagawin ko ang lahat
ng gusto kong gawin.
Mula sa silangan,
tatawag ako ng isang tao,
at darating siyang tulad ng ibong mandaragit
mula sa malayong lugar.
Ang mga sinabi koʼy aking tutuparin.
Ang mga balak koʼy aking gagawin.