Sinabi ng PANGINOON, “Ang lingkod kong si Isaias ay palakad-lakad nang hubad at nakayapak sa loob ng tatlong taon. Itoʼy bilang tanda at babala para sa Ehipto at Etiopia. Sapagkat bibihagin ng hari ng Asiria ang mga taga-Ehipto at mga taga-Etiopia, bata man o matanda. Bibihagin sila nang hubad at nakayapak. Makikita ang kanilang puwit, at talaga ngang mapapahiya ang mga Ehipsiyo.