Kaya sinabi ng Faraon kay Jose, “Sapagkat sinabi sa iyo ng Diyos ang mga bagay na ito, wala na sigurong iba pang tao na may kaalaman at pang-unawa na kagaya mo. Gagawin kita ngayong tagapamahala ng aking kaharian at susunod sa iyo ang lahat ng aking mga tauhan. Ngunit bilang hari, mas mataas pa rin ang aking kapangyarihan kaysa sa iyo.”