Pagdating nila sa Templo ng PANGINOON sa Jerusalem, ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay ng kusang-loob na tulong sa muling pagpapatayo ng bahay ng Diyos sa dati nitong kinatatayuan. Nagbigay sila ayon sa makakaya nila para sa gawaing ito. At ang kabuuang natipon nila ay mga limandaang kilong ginto, mga tatlong libong kilong pilak, at isang daang pirasong kasuotan para sa mga pari.