“Kapag sinabi ng Faraon na gumawa kayo ng himala, sabihin mo Moises kay Aaron, ‘Ihagis mo ang tungkod sa harap ng Faraon,’ at magiging ahas ito.”
Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Faraon at ginawa ang sinabi ng PANGINOON. Inihagis ni Aaron ang tungkod niya sa harap ng Faraon at ng kanyang mga opisyal, at naging ahas ito.