Ang ibaʼy ginawa niyang apostol, ang ibaʼy propeta, ang ibaʼy mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro. Ginawa niya ito para ihanda sa paglilingkod ang mga hinirang, at sa gayoʼy lumago at maging matatag tayo bilang katawan ni Kristo. Sa ganitong paraan, maaabot nating lahat ang pagkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at ganap na lalago sa espirituwal nating pamumuhay hanggang maging katulad tayo ni Kristo.