sa halip itinuring mong mas mataas ka kaysa sa Panginoon. Ipinakuha mo ang mga tasang mula sa templo ng Diyos at ginamit ninyong inuman ng iyong marangal na mga bisita, mga asawa, at iba pang mga asawang alipin. Maliban diyan, sumamba ka pa sa mga diyos-diyosang gawa sa pilak, ginto, tanso, bakal, kahoy, at bato. Itoʼy mga diyos na hindi nakakakita, hindi nakakarinig, at hindi nakakaunawa. Ngunit hindi mo man lang pinuri ang Diyos na siyang may hawak ng iyong buhay at nakakaalam ng iyong landas na dadaanan.