1
2 Mga Hari 4:2
Ang Salita ng Diyos
ASD
Sinabi sa kanya ni Eliseo, “Ano ang maitutulong ko sa iyo? Sabihin mo sa akin, ano ang mayroon sa bahay mo?” Sumagot ang babae, “Wala po, maliban lang sa kaunting langis ng olibo sa lalagyan.”
Paghambingin
I-explore 2 Mga Hari 4:2
2
2 Mga Hari 4:1
May isang biyuda na ang asawa ay dating kaanib sa grupo ng mga propeta. Isang araw, humingi siya ng tulong kay Eliseo. Sinabi niya, “Patay na po ang asawa ko na inyong lingkod at alam nʼyo kung gaano niya iginagalang ang PANGINOON. Ngunit ngayon, ang tao po na pinagkakautangan niya ay dumating upang kunin ang dalawa kong anak na lalaki at gawing alipin.”
I-explore 2 Mga Hari 4:1
3
2 Mga Hari 4:3
Sinabi ni Eliseo, “Puntahan mo ang lahat ng kapitbahay mo at manghiram ka ng maraming sisidlan.
I-explore 2 Mga Hari 4:3
4
2 Mga Hari 4:4
Pumasok kayo ng mga anak mo sa bahay nʼyo at isara nʼyo ang pinto. Ibuhos nʼyo ang langis sa lahat ng sisidlan. Itabi mo ang bawat sisidlan na mapupuno mo.”
I-explore 2 Mga Hari 4:4
5
2 Mga Hari 4:6
Nang mapuno na ang lahat ng sisidlan, sinabi niya sa isa sa kanyang mga anak, “Bigyan mo pa ako ng sisidlan.” Sumagot ang anak niya, “Wala na pong sisidlan.” At tumigil na ang pag-agos ng langis.
I-explore 2 Mga Hari 4:6
6
2 Mga Hari 4:7
Pumunta ang babae kay Eliseo na lingkod ng Diyos at sinabi niya ang nangyari. Sinabi ni Eliseo sa kanya, “Umalis ka at ipagbili ang langis, at bayaran mo ang utang mo. May matitira ka pang sapat na pera na ikabubuhay ninyo ng mga anak mo.”
I-explore 2 Mga Hari 4:7
7
2 Mga Hari 4:5
Kaya ginawa ng babae ang iniutos ni Eliseo sa kanya, at isinara nila ang pinto ng bahay nila. Pagkatapos, dinala sa kanya ng mga anak niya ang mga sisidlan, at nilagyan niya ito ng langis.
I-explore 2 Mga Hari 4:5
8
2 Mga Hari 4:34
Pagkatapos, dumapa siya sa bata, at inilapat ang bibig niya sa bibig ng bata, ang mata niya sa mata ng bata at ang kamay niya sa kamay nito. Habang nakadapa siya, unti-unting umiinit ang katawan ng bata.
I-explore 2 Mga Hari 4:34
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas