Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Lucas 19:9

Ang Pag-ibig ay Kumikilos--Maranasan ang Buhay na may Pag-ibig na Gumagawa
7 Araw
Ang 7-araw na gabay sa pagbabasa na ito ay batay sa aklat ni Bob Goff tungkol sa pamumuhay na ganap na nakatuon at puno ng kapritso. Alamin kung paano ka makakagawa ng pagbabago sa pamamagitan ng paglagpas sa yugto ng pagpaplano tungo sa "paggawa" na bahagi ng pananampalataya—dahil ang pag-ibig ay hindi lamang patuloy na pag-iisip o pagpaplano tungkol dito. Sa madaling salita: gumagawa ang pag-ibig.

Anim na Hakbang Tungo sa Iyong Pinakamabuting Pamumuno
7 Araw
Handa ka na bang lumago bilang isang pinuno? Binubuksan ni Craig Groeschel ang anim na mga hakbang na biblikal na maaaring gawin ng sinuman upang maging mas mabuting pinuno. Tuklasin ang disiplina upang makapagsimula, ang kalakasan ng loob upang huminto, isang taong pinalakas, isang sistemang nililikha, isang relasyong sisimulan, at ang pakikipagsapalarang kailangang harapin.

Pagsunod kay Jesus na Ating Tagapamagitan
7 Araw
Isang bulag na pulubi ang desperadong umiiyak sa gilid ng daan, isang makasalanang babaeng kinamumuhian ng maranagal na lipunan, isang tiwaling kawani ng pamahalaan na kinasusuklaman ng lahat, paano aasa ang mga taong ito na nasa laylayan ng lipunan na makaugnay sa isang banal na Diyos? Ayon sa mga pananaw mula sa aklat ng Lucas sa Africa Study Bible, sundan si Jesus habang pinupunuan Niya ang puwang sa pagitan ng Diyos at ng mga napabayaang pangkat ng lipunan.

121 Adbiyento
24 na Araw
Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

Paghahanap ng Iyong Paraang Pananalapi
28 Araw
Ang gabay sa pagbabasa na ito ay nilikha ng mga kawani ng NewSpring at mga boluntaryo upang tulungan ka sa iyong paglalakbay sa pananalapi. Magbasa ng isang debosyonal sa bawat araw at gumugol ng oras sa Diyos gamit ang Banal na Kasulatan, mga tanong at panalangin na ibinigay. Kailangan mo ba ng tulong na unahin ang Diyos sa iyong pananalapi? I-download ang libreng buwanang at/o lingguhang mga form ng budget, panoorin ang mga sermon, at mahikayat sa mga kuwento ng tagumpay sa www.newspring.cc/financialplanning