Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Juan 17:16

Ang Kapangyarihan ng Pagkakaisa
4 na Araw
Maraming tao ang kuntento na sa pagpaparaya sa lahi sa halip na pagkakaisa. Pagbibigyan natin ang magkakaibang lahi. Marahil ay dadalo pa nga tayo sa mga pagtitipon-tipon bilang suporta sa mga lahi. Ngunit kapag tapos na ang kaganapan, naghihiwa-hiwalay na tayo. Nagpapakita ito sa atin na higit pa sa ngiti, pakikipagkamay at pagbati ng "hello" ang kailangan upang mapagtagumpayan ang agwat sa mga lahi. Sa 4-na araw na babasahing gabay na ito, dadalhin ka ni Dr. Evans sa isang paglalakbay patungo sa pagkakaisa na naaayon sa Biblia.

Lumaya Mula Sa Paghahambing Isang 7 Araw na Gabay Ni Anna Light
7 Araw
Alam mo na binibigyan ka ng Diyos ng buhay na mas masagana kaysa sa buhay mo ngayon, pero ang nakakalungkot na katotohan ay ang paghahambing ay pumipigil sa'yo para magpatuloy sa susunod na antas. Sa gabay sa pagbabasa na ito isisiwalat ni Anna Light ang mga pananaw na babasag sa takip na inilalagay ng paghahambing sa iyong kakayahan, at tinutulungan kang isabuhay ang buhay na malaya at masagana na siyang dinisenyo ng Diyos para sa iyo.

20/20: Nakita. Pinili. Ipinadala. Ni Christine Caine
7 araw
Naisip mo na ba ang pakiramdam na talagang nakikita ka ng Diyos na hindi mo maiwasang makita ang iba? Naisip mo na ba ang iyong pang-araw-araw at ordinaryong buhay ay may napakahalagang epekto para sa walang hanggan? Ang 7-araw na debosyonal na ito mula kay Christine Caine ay tutulong sa iyo na matuklasan kung paano ka nakita, pinili, at ipinadala ng Diyos upang makita ang iba at tulungan silang madama na nakikita sila sa paraan ng pagtingin ng Diyos sa kanila—na may 20/20 na paningin.