Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Juan 13

Ang Kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay
7 Araw
Paano mo gugugulin ang huling linggo ng iyong buhay kung alam mong iyon na ang iyong wakas? Ang huling linggo ng buhay ni Jesus sa lupa bilang tao ay punung-puno ng mga sandaling hindi malilimutan, mga naganap na propesiya, matimtimang panalangin, malalimang usapin, mga masimbolong gawain, at mga pangyayaring nakapagpabago sa mundo. Dinisenyo na simulan sa araw ng Lunes bago ang Pasko ng Pagkabuhay, ang gabay na ito ay kasamang gagabay sa iyo sa paglalahad ng mga pangyayari ng Semana Santa.

Juan
10 Araw
Ang payak na gabay na ito ay papatnubayan ka sa kabuuan ng Mabuting Balita Ayon kay San Juan mula simula hanggang wakas.

BibleProject | Mga Sulat ni Juan
25 Mga araw
Sa loob ng 25 araw dadalhin ka ng gabay na ito sa mga isinulat ni Juan. Ang bawat aklat ay may kasamang video na may partikular na disenyo upang mas umunlad ang iyong pagkaintindi at ugnayan sa Salita ng Diyos.

Sama-sama Nating Basahin ang Biblia (Oktubre)
31 Araw
Ika-10 sa 12-bahaging serye, ang babasahing ito ay gagabay sa mga komunidad sa pagbabasa ng Biblia sa loob ng 365 na araw. Anyayahan ang iba na sumali sa tuwing magsisimula ka ng panibagong yugto bawat buwan. Ang seryeng ito ay magandang pakinggan gamit ang audio Bible—makinig nang wala pang 20 minuto bawat araw! Nakapaloob sa bawat bahagi ang mga kabanata mula sa mga Luma at Bagong Tipan, kasama ang Mga Awit. Tampok sa Bahagi 10 ang mga aklat ng Ang Mangangaral, Juan, Jeremias, at Mga Panaghoy.