Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Genesis 2:25

Ang Buhay na Mataimtim na Hinubog
5 Araw
Ayon kay Pastor Rich Villodas ng New York, ang isang buhay na may malalim na pagkabuo ay isang buhay na minamarkahan ng pagsasama-sama, pagtatagpo, magkakasalikop, at pag-uugnayan, na pinagsasama ang maraming mga suson ng espirituwal na paghubog. Ang ganitong uri ng buhay ay tumatawag sa atin na maging mga taong naglilinang ng mga buhay kasama ang Diyos sa panalangin, kumikilos tungo sa pagkakasundo, gumagawa para sa katarungan, may malusog na kalooban, at nakikita ang ating mga katawan at sekswalidad bilang mga kaloob na dapat alagaan.

Nararanasan ang Pakikipagkaibigan sa Diyos
5 Araw
Ikaw ba ay nasa isang panahon ng pagkaligaw, walang makitang tubig o bukal para sa iyong kaluluwa? Paano kung ang panahong ito ang magbibigay ng pinakamalaking pag-asa sa lahat: ang makilala ang Presensya ng Diyos nang malapitan, totoo, at may buong katapatan? Ang debosyonal na ito ay naghihikayat sa iyo na ang panahong ito ay hindi nasasayang, kahit na sa ilang araw ay pakiramdam mo na wala kang nararating. Sapagkat kahit saan ka makarating, ang Diyos ay naglalakbay kasama mo bilang Tagapag-aliw, Nagbibigay-buhay, at Kaibigan.

Masinsinang Paglilinis: Pag-aalis ng Hiya, Nakakalasong Mga Impluwensya, at Hindi Pagpapatawad
7 Araw
Ano kaya kung hindi nating kailangang maghintay hanggang maging desperado bago ayusin ang mga nasira sa ating buhay? Tulad ng paggugol natin sa paglilinis ng ating mga tahanan, oras nang imbitahan ang Banal na Espiritu na linisang masinsinan ang ating mga puso. Sa 7-araw na gabay na ito, matutuklasan natin kung paanong bitawan ang mga bagaheng emosyonal na umaantala at nagpapabigat sa ating buhay.

Malalim na Pagsisid 14
14 na Araw
Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.