1
Mga Kawikaan 26:4-5
Magandang Balita Biblia (2005)
MBB05
Huwag mong papatulan ang isang mangmang at baka lumabas na higit ka pang mangmang. Sagutin mo ang mangmang ayon sa kanyang kahangalan, upang hindi niya isipin na siya'y may katuwiran.
เปรียบเทียบ
สำรวจ Mga Kawikaan 26:4-5
2
Mga Kawikaan 26:11
Ang taong nananatili sa kanyang kahangalan ay tulad ng aso, ang sariling suka ay binabalikan nito.
สำรวจ Mga Kawikaan 26:11
3
Mga Kawikaan 26:20
Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.
สำรวจ Mga Kawikaan 26:20
4
Mga Kawikaan 26:27
Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.
สำรวจ Mga Kawikaan 26:27
5
Mga Kawikaan 26:12
Nakakita na ba kayo ng taong nag-aakalang siya ang pinakamatalino? Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa taong ito.
สำรวจ Mga Kawikaan 26:12
6
Mga Kawikaan 26:17
Ang nakikisali sa gulo ng may gulo ay tulad ng taong dumadakma sa tainga ng aso.
สำรวจ Mga Kawikaan 26:17