1
Pahayag 13:18
Ang Salita ng Diyos
ASD
Kailangan dito ang talino upang maunawaan ang kahulugan ng numero ng unang halimaw, dahil sagisag ito ng pangalan ng tao. At ang numero ay 666.
Compara
Explorar Pahayag 13:18
2
Pahayag 13:8
Sasambahin siya ng lahat ng tao sa mundo na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay. Bago pa man likhain ang mundo, ang mga pangalan nila ay hindi nakasulat sa aklat na ito na hawak ng Korderong pinatay.
Explorar Pahayag 13:8
3
Pahayag 13:16-17
Pinilit ng pangalawang halimaw ang lahat ng tao, dakila o hindi, mayaman o mahirap, alipin o malaya, na magpatatak sa kanang kamay o sa noo. At ang sinumang ayaw magpatatak ng pangalan o numero ng unang halimaw ay hindi maaaring bumili o magbenta.
Explorar Pahayag 13:16-17
4
Pahayag 13:10
“Ang sinumang itinakdang bihagin ay magiging bihag. At ang sinumang itinakdang mamatay sa espada ay mamamatay sa espada.” Kaya ang mga hinirang ng Diyos ay kailangang maging matiisin at matatag sa kanilang pananampalataya.
Explorar Pahayag 13:10
5
Pahayag 13:1
Pagkatapos, may nakita akong halimaw na umaahon sa dagat. Pito ang ulo nito at sampu ang sungay. Bawat sungay nito ay may korona, at sa bawat ulo naman ay may nakasulat na pangalang lumalapastangan sa Diyos.
Explorar Pahayag 13:1
6
Pahayag 13:7
Pinahintulutan ang halimaw na makipaglaban sa mga hinirang ng Diyos at talunin sila. Binigyan din siya ng karapatang maghari sa bawat angkan, lahi, wika at bansa.
Explorar Pahayag 13:7
7
Pahayag 13:14-15
At dahil sa mga himalang ipinagawa sa kanya ng unang halimaw, nalinlang niya ang mga tao sa mundo. Inutusan niya ang mga tao na gumawa ng imahen ng unang halimaw na malubhang nasugatan ng espada ngunit nabuhay pa. Hinayaan ng Diyos ang pangalawang halimaw na magbigay ng buhay sa imahen ng unang halimaw. Kaya nakapagsalita ang imahen at nakapag-utos na patayin ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya.
Explorar Pahayag 13:14-15
8
Pahayag 13:2
Ang halimaw ay parang leopardo, at may mga paang katulad ng sa oso. Ang bibig niya ay parang bibig ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang kapangyarihan at trono upang maging malawak ang kapangyarihan nito.
Explorar Pahayag 13:2
9
Pahayag 13:5
Hinayaang magsalita ang halimaw ng kalapastanganan at maghari sa loob ng apatnapuʼt dalawang buwan.
Explorar Pahayag 13:5
10
Pahayag 13:3
Nakita kong ang isa sa mga ulo ng halimaw ay nasugatan nang lubha, ngunit gumaling na ang nakamamatay na sugat nito. Kaya humanga sa halimaw ang mga tao sa buong mundo at naging alagad sila nito.
Explorar Pahayag 13:3
11
Pahayag 13:11-12
Pagkatapos, nakita ko ang isa pang halimaw na lumalabas mula sa lupa. Ito ay may dalawang sungay na katulad ng sa tupa, ngunit parang dragon kung magsalita. Pinagsilbihan niya ang unang halimaw at ginamit ang lahat ng kapangyarihan nito. Pinipilit niya ang lahat ng tao sa lupa na sumamba sa unang halimaw na gumaling mula sa nakamamatay na sugat nito.
Explorar Pahayag 13:11-12