At nanganak nga ang babae ng isang sanggol na lalaki na siyang “maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal”. Inagaw agad ang sanggol at dinala sa Diyos doon sa kanyang trono. Ang babae naman ay tumakas sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.