Pahayag 13:14-15

Pahayag 13:14-15 ASD

At dahil sa mga himalang ipinagawa sa kanya ng unang halimaw, nalinlang niya ang mga tao sa mundo. Inutusan niya ang mga tao na gumawa ng imahen ng unang halimaw na malubhang nasugatan ng espada ngunit nabuhay pa. Hinayaan ng Diyos ang pangalawang halimaw na magbigay ng buhay sa imahen ng unang halimaw. Kaya nakapagsalita ang imahen at nakapag-utos na patayin ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya.