Puno ng galit ang mga bansa,
at narito na ang inyong poot.
Panahon na upang hatulan ninyo ang mga patay
at gantimpalaan ang inyong mga lingkod na propeta,
at ang mga hinirang ninyong may takot sa inyo,
dakila man o hindi.
At panahon na rin upang lipulin
ang mga namumuksa sa mundo.”