Jeremias 47
47
Ang Mensahe tungkol sa Filistia
1Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay Propeta Jeremias tungkol sa Filistia noong hindi pa sinasalakay ng Faraon#47:1 Faraon: Ang ibig sabihin, hari ng Ehipto. ang Gaza:
2Ito ang sinasabi ng Panginoon:
“May bansang sasalakay mula sa hilaga
na tulad ng bahang aapaw
sa buong lupain.
Wawasakin ng bansang ito ang lahat ng lungsod
pati ang mga mamamayan nito.
Magsisigawan at mag-iiyakan
nang malakas ang mga tao;
dahil sa takot.
3Maririnig nila ang ingay ng lagapak
at mga yabag ng mga kabayo
at mga karwahe.
Hindi na lilingon ang mga ama
upang tulungan ang mga anak nila.
4Sapagkat darating ang araw
na wawasakin ang lahat ng Filisteo
pati ang mga kakampi nila
na tumutulong sa kanila
mula sa Tiro at Sidon.
Wawasakin ng Panginoon
ang mga Filisteo.
Ito ang mga taong mula sa Caftor.#47:4 Caftor: O Crete.
5Ang mga taga-Gaza ay magpapakalbo,
tanda ng kanilang pagluluksa,
at ang mga taga-Ashkelon
ay tatahimik sa kalungkutan.
Kayong mga mamamayan sa kapatagan,
hanggang kailan ninyo susugatan
ang inyong sarili
upang ipakita ang inyong kalungkutan?
6Nagtatanong kayo
kung kailan ko ititigil ang pagpaparusa sa inyo
sa pamamagitan ng espada
ng Panginoon.
Sinasabi ninyong ibalik ko na
sa lalagyan ang aking espada
at pabayaan na lang kayo.
7Ngunit paano ito mapipigil
kung inutusan na ito ng Panginoon
na salakayin ang Ashkelon
at ang mga naninirahan
sa baybayin ng dagat?”
Tans Gekies:
Jeremias 47: ASD
Kleurmerk
Deel
Kopieer
Wil jy jou kleurmerke oor al jou toestelle gestoor hê? Teken in of teken aan
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.