May Maganda Sa Iyo预览

Kanino ka ba may influence?🔊
Do you like watching influencers on social media? Di ba andami nila ngayon, at nakakatuwang sundan ang mga ipinapakita nila sa kanilang mga videos o reels? Minsan iniisip nating sila lang ang may karapatang mag-influence sa mga tao. But do you know that your life has an effect on the people around you?
For example, ito ang tanong namin sa iyo: sinu-sino ba ang nakikisalamuha mo sa bawat araw? Mga classmates, co-workers? Mga parents at kapatid? Asawa’t anak? We all interact with a lot of people in our day-to-day lives, at ang mga ginagawa natin have a direct effect on them
As parents, our behavior and words have a direct effect on our kids. Kung hindi ka man magulang, ang pakikipagtunguhan mo sa mga kaibigan at kasama sa trabaho ay may epekto din sa kanila. At nangyayari ito both in the positive and negative aspects of our personality and behavior.
Alam mo ba ang nakasulat sa Bible na isang important description of this dynamic?
Ang dila moʼy tila may gatas at pulot. (Awit ng mga Awit 4:11 ASND)
This verse is symbolic; nagpapakita ito na ang mga salita natin ay parang gatas na nagbibigay-lakas at pulot na nagbibigay-tamis sa buhay. Nakikita mo ba? Our interactions with others actually carry power, na maaaring magbibigay-lakas o magbibigay-tamis sa kanila.
Let’s practice using our words well this week. Mag-isip ka ng tatlong taong gusto mong i-encourage, and offer them even just a single line of encouragement. Isa itong halimbawa ng magandang epekto ng buhay mo sa buhay ng ibang tao.
Tandaan mo, isa kang miracle!