May Maganda Sa Iyo预览

May Maganda Sa Iyo

7天中的第1天

Ano ba ang isang strength mo? 😎

Kapag sinabi ko bang may maganda sa iyo, maniniwala ka ba? Honestly, for many of us, mahirap maniwalang may maganda sa atin, especially in moments when we feel like we’ve disappointed someone, like our husband or wife, our best friend, our boyfriend or girlfriend.

Pero alam mo ba na because you’re created by an amazing God, ibig sabihin may maganda sa iyo? Tingnan natin ang nangyari sa simula ng Bible, when God created everything, langit, lupa, halaman, mga hayop, at pati na ang tao:

Sinabi ng Dios, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga ng liwanag. Nasiyahan ang Dios sa liwanag na nakita niya. (Genesis 1:3,4 ASND)

In every single act of God’s creating something, mababasa natin ang paglalarawan na “nasiyahan ang Diyos,” which includes the time when He created man.

Ano ang ibig sabihin nito? It means that, although after the creation, Adam and Eve “fell” when sin entered the picture, the Lord’s original design for us human beings is beautiful. Sinabi pa ngang “nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya (Genesis 1:27 ASND).”

Nakikita mo ba? Eventhough we have weaknesses, God created us in His image. Hindi ito maliit na bagay. Ibig sabihin nito, may maganda sa atin, kahit na hindi natin ito nakikita.

Kaya here’s ang challenge for you today. Kumuha ng papel o journal, at isipin mo ang kahit isang bagay lang na masasabi mong strength mo. Isulat ito bilang isang prayer na nagpapasalamat kay Lord sa pagbibigay Niya nito sa iyo.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.