May Maganda Sa Iyo预览

Ano ba ang mga life experiences mo? ✈️
Kapag tinanong kita, what is your happiest memory from your childhood? How about saddest, or the most embarrassing? Alin ba ang mas madami kang naiisip?
Bakit natin pinag-uusapan ito? Baka mahirap para sa iyo ang isipin ang mga malungkot na pangyayari. Pero alam mo bang may halaga ang lahat ng mga pinagdaanan mo sa buhay? Sometimes, we think that certain experiences are pointless, lalo na yung mga malulungkot o mga mahihirap na nangyari. Pero the truth is, nothing is wasted with the Lord. Ang lahat ng karanasan mo, may bearing sa patutunguhan ng buhay mo.
Sa Bible, may kuwento tungkol kay Joseph, na mahal na mahal ng kanyang ama, kaya naiinggit sa kanya ang mga kapatid. Sa sobrang galit nila, ibinenta nila si Joseph na maging slave sa malayong lugar at nagsinungaling sa ama nilang patay daw si Joseph. Ilang taong napakahirap ang pinagdaanan ni Joseph. Pero dahil kasama niya si Lord, nagkatiwala sa kanya ang Kanyang amo, at sa huli, naging assistant pa siya ng hari ni Egypt.
Ilang taon ang nakalipas at lumapit sa kanya ang mga kapatid. Basahin natin itong sinabi ni Joseph sa kanila:
Totoong nagplano kayo ng masama sa akin, pero plinano na ng Dios na magdulot iyon ng kabutihan na siyang nagligtas ng marami sa inyo sa taggutom. (Genesis 50:20 ASND)
Hindi ba good news ito? Kahit ano pa ang pinagdaanan mo, ginagawa ni Lord ang lahat para sa ikabubuti mo. That means we can trust that whatever happens, God can use it for good.
Let’s read aloud this verse:
Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin. (Roma 8:28 ASND)
Tandaan mo, isa kang miracle!