Ruth 2:4 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Ruth 2:4 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Di nagtagal, dumating naman si Boaz mula sa Bethlehem. “Sumainyo si Yahweh,” ang bati niya sa mga gumagapas. “Pagpalain naman kayo ni Yahweh!” sagot nila.
Ruth 2:4 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Habang nandoon si Ruth ay dumating si Boaz mula sa Bethlehem at binati ang mga tagapag-ani, “Sumainyo nawa ang PANGINOON!” Sumagot ang mga tagapag-ani, “Pagpalain nawa kayo ng PANGINOON!”
Ruth 2:4 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Di nagtagal, dumating naman si Boaz mula sa Bethlehem. “Sumainyo si Yahweh,” ang bati niya sa mga gumagapas. “Pagpalain naman kayo ni Yahweh!” sagot nila.
Ruth 2:4 TLAB (Ang Biblia)
At, narito, si Booz ay nanggaling sa Bethlehem, at nagsabi sa mga mangaani, Ang Panginoo'y sumainyo nawa. At sila'y sumagot sa kaniya, Pagpalain ka nawa ng Panginoon.
Ruth 2:4 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
At, narito, si Booz ay nanggaling sa Beth-lehem, at nagsabi sa mga mangaani, Ang Panginoo'y sumainyo nawa. At sila'y sumagot sa kaniya, Pagpalain ka nawa ng Panginoon.