Skip to content
Logo ng Bible App

Mga Taga-Roma 9:25 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Taga-Roma 9:25 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, “Ang dating hindi ko bayan ay tatawaging ‘Bayan ko,’ at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging ‘Mahal ko.’

Mga Taga-Roma 9:25 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ito ang sinabi ng Diyos sa aklat ni Hosea: “Ang dating hindi ko bayan ay tatawagin kong, ‘bayan ko’. At ang dating hindi ko mahal ay tatawagin kong ‘mahal ko’.”

Mga Taga-Roma 9:25 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, “Ang dating hindi ko bayan ay tatawaging ‘Bayan ko,’ at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging ‘Mahal ko.’

Mga Taga-Roma 9:25 TLAB (Ang Biblia)

Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig.

Mga Taga-Roma 9:25 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig.