Mga Taga-Roma 8:24 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Taga-Roma 8:24 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi iyon matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sapagkat sinong tao ang aasa pa kung ito'y nakikita na niya?
Mga Taga-Roma 8:24 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sapagkat ito ang inaasahan natin noong tayoʼy naligtas. Umaasa tayo dahil hindi pa ganap na natupad ang inaasahan natin. Aasa pa ba tayo kung nakamit na natin ito?
Mga Taga-Roma 8:24 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi iyon matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sapagkat sinong tao ang aasa pa kung ito'y nakikita na niya?
Mga Taga-Roma 8:24 TLAB (Ang Biblia)
Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya't sino nga ang umaasa sa nakikita?
Mga Taga-Roma 8:24 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya't sino nga ang umaasa sa nakikita?