Mga Taga-Roma 4:13 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Taga-Roma 4:13 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang magiging lahi na mamanahin nila ang buong mundo, hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan, kundi dahil sa siya'y itinuring na matuwid sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya sa Diyos.
Mga Taga-Roma 4:13 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila ang mundo. Ang pangakong ito ay ibinigay ng Diyos kay Abraham hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan, kundi dahil itinuring siya ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.
Mga Taga-Roma 4:13 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang magiging lahi na mamanahin nila ang buong mundo, hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan, kundi dahil sa siya'y itinuring na matuwid sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya sa Diyos.
Mga Taga-Roma 4:13 TLAB (Ang Biblia)
Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.
Mga Taga-Roma 4:13 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.