Mga Taga-Roma 2:29 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Taga-Roma 2:29 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang tunay na Judio ay ang taong nabago sa puso't kalooban ayon sa Espiritu at hindi ayon sa Kautusang nasusulat. Ang taong iyon ay pararangalan ng Diyos at hindi ng tao.
Mga Taga-Roma 2:29 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ang tunay na Hudyo ay ang taong nabago ang puso sa pamamagitan ng Espiritu, at hindi dahil tuli siya ayon sa Kautusan. Ang ganyang tao ay pinararangalan ng Diyos kahit hindi pinupuri ng tao.
Mga Taga-Roma 2:29 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang tunay na Judio ay ang taong nabago sa puso't kalooban ayon sa Espiritu at hindi ayon sa Kautusang nasusulat. Ang taong iyon ay pararangalan ng Diyos at hindi ng tao.
Mga Taga-Roma 2:29 TLAB (Ang Biblia)
Datapuwa't siya'y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Dios.
Mga Taga-Roma 2:29 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwa't siya'y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Dios.