Mga Taga-Roma 2:2-3 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Taga-Roma 2:2-3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Nalalaman nating makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa ng mga iyon. Akala mo ba'y makakaiwas ka sa parusa ng Diyos kung hahatulan mo ang mga gumagawa ng masasamang gawaing ginagawa mo rin naman?
Mga Taga-Roma 2:2-3 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Alam nating makatarungan ang hatol ng Diyos sa mga taong gumagawa ng kasamaan. Ngunit sino ka para humatol sa iba kung ikaw mismo ay gumagawa rin ng mga iyon? Akala mo baʼy makakaligtas ka sa hatol ng Diyos
Mga Taga-Roma 2:2-3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nalalaman nating makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa ng mga iyon. Akala mo ba'y makakaiwas ka sa parusa ng Diyos kung hahatulan mo ang mga gumagawa ng masasamang gawaing ginagawa mo rin naman?
Mga Taga-Roma 2:2-3 TLAB (Ang Biblia)
At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay. At iniisip mo baga ito, Oh tao, na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay, at ginagawa mo ang gayon din, na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios?
Mga Taga-Roma 2:2-3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))