Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 13:4 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Taga-Roma 13:4 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama.

Mga Taga-Roma 13:4 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Sapagkat ang mga nasa kapangyarihan ay mga lingkod ng Diyos para sa ating ikabubuti. Ngunit kung gagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil may kapangyarihan silang parusahan ka. Silaʼy mga lingkod ng Diyos na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama.

Mga Taga-Roma 13:4 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama.

Mga Taga-Roma 13:4 TLAB (Ang Biblia)

Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.

Mga Taga-Roma 13:4 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))