Lumaktaw sa nilalaman

Mga Taga-Roma 11:12 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Taga-Roma 11:12 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ngayon, kung ang kasalanan ng mga Israelita ay nagdulot ng masaganang pagpapala sa sanlibutan, at kung ang kanilang pagbagsak ay nagdulot ng masaganang pagpapala sa mga Hentil, gaano pa kaya kapag nagbalik loob sa Diyos ang buong Israel!

Mga Taga-Roma 11:12 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ngayon, kung ang kasalanan ng mga Hudyo ay nagdulot ng masaganang pagpapala sa buong mundo, at ang kanilang kawalan ay nagdulot ng malaking pagpapala sa mga Hentil, paano pa kaya kapag nagbalik-loob sa Diyos ang buong Israel?

Mga Taga-Roma 11:12 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ngayon, kung ang kasalanan ng mga Israelita ay nagdulot ng masaganang pagpapala sa sanlibutan, at kung ang kanilang pagbagsak ay nagdulot ng masaganang pagpapala sa mga Hentil, gaano pa kaya kapag nagbalik loob sa Diyos ang buong Israel!

Mga Taga-Roma 11:12 TLAB (Ang Biblia)

Ngayon kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil; gaano pa ang kapunuan nila?

Mga Taga-Roma 11:12 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Ngayon kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil; gaano pa ang kapunuan nila?