Mga Taga-Roma 10:18 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Taga-Roma 10:18 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Subalit ang tanong ko'y ganito: Hindi kaya sila nakapakinig? Oo, sila'y nakapakinig! Sapagkat nasusulat, “Abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig.”
Mga Taga-Roma 10:18 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ito ngayon ang tanong ko: Hindi ba nakarinig ang mga Israelita? Nakarinig sila, dahil sinasabi sa Kasulatan: “Narinig sa lahat ng dako ang kanilang tinig; At nakarating sa buong mundo ang sinabi nila.”
Mga Taga-Roma 10:18 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Subalit ang tanong ko'y ganito: Hindi kaya sila nakapakinig? Oo, sila'y nakapakinig! Sapagkat nasusulat, “Abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig, balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig.”
Mga Taga-Roma 10:18 TLAB (Ang Biblia)
Datapuwa't sinasabi ko, Hindi baga sila'y nangakinig? Oo, tunay nga, Ang tinig nila ay kumalat sa buong lupa, At ang kanilang mga salita'y hanggang sa mga dulo ng sanglibutan.
Mga Taga-Roma 10:18 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwa't sinasabi ko, Hindi baga sila'y nangakinig? Oo, tunay nga, Ang tinig nila ay kumalat sa buong lupa, At ang kanilang mga salita'y hanggang sa mga dulo ng sanglibutan.