Mga Bilang 7:3 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Bilang 7:3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
ay naghandog kay Yahweh ng anim na malaking kariton at labindalawang toro: isang kariton sa bawat dalawang angkan at isang toro sa bawat angkan.
Mga Bilang 7:3 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Nagdala sila ng anim na kariton at labindalawang baka – isang kariton sa bawat dalawang pinuno, at isang baka sa bawat isa sa kanila sa harapan ng PANGINOON. Dinala nila ito sa harapan ng Toldang Sambahan.
Mga Bilang 7:3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
ay naghandog kay Yahweh ng anim na malaking kariton at labindalawang toro: isang kariton sa bawat dalawang angkan at isang toro sa bawat angkan.
Mga Bilang 7:3 TLAB (Ang Biblia)
At kanilang dinala ang kanilang alay sa harap ng Panginoon, anim na karitong may takip, at labing dalawang baka; isang kariton sa bawa't dalawa sa mga prinsipe, at sa bawa't isa'y isang baka: at kanilang iniharap sa harapan ng tabernakulo.
Mga Bilang 7:3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))