Lumaktaw sa nilalaman

Mga Bilang 4:16 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Bilang 4:16 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

“Si Eleazar na anak ni Aaron ang mangangalaga sa langis para sa ilawan, sa insenso, sa karaniwang handog na pagkaing butil at sa langis na pantalaga. Siya rin ang mamamahala sa buong Toldang Tipanan at sa lahat ng kagamitan dito.”

Mga Bilang 4:16 ASD (Ang Salita ng Diyos)

“Si Eleazar na anak ng paring si Aaron ang naatasang mag-asikaso sa langis para sa mga ilaw, sa insenso, sa araw-araw na handog na pagkaing butil para sa akin at sa langis na pamahid. Siya ang mamamahala sa buong Tolda at sa lahat ng kagamitan nito.”

Mga Bilang 4:16 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

“Si Eleazar na anak ni Aaron ang mangangalaga sa langis para sa ilawan, sa insenso, sa karaniwang handog na pagkaing butil at sa langis na pantalaga. Siya rin ang mamamahala sa buong Toldang Tipanan at sa lahat ng kagamitan dito.”

Mga Bilang 4:16 TLAB (Ang Biblia)

At ang magiging katungkulan ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, ay ang langis sa ilawan, at ang mabangong kamangyan, at ang palaging handog na harina, at ang langis na pang-pahid, at ang pagiingat ng buong tabernakulo at ng lahat na nandoon, ang santuario at ang mga kasangkapan niyaon.

Mga Bilang 4:16 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))