Lumaktaw sa nilalaman

Mga Bilang 31:2 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Bilang 31:2 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

“Ipaghiganti mo muna ang sambayanang Israel sa mga Midianita. Pagkatapos, pamamahingahin na kita sa piling ng iyong mga yumaong ninuno.”

Mga Bilang 31:2 ASD (Ang Salita ng Diyos)

“Gantihan mo ang mga Midianita dahil sa kanilang ginawa sa mga Israelita. Pagkatapos mo itong gawin, mamamahinga ka na sa piling ng mga yumao mong ninuno.”

Mga Bilang 31:2 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

“Ipaghiganti mo muna ang sambayanang Israel sa mga Midianita. Pagkatapos, pamamahingahin na kita sa piling ng iyong mga yumaong ninuno.”

Mga Bilang 31:2 TLAB (Ang Biblia)

Ipanghiganti mo ang mga anak ni Israel sa mga Madianita; pagkatapos nito'y malalakip ka sa iyong bayan.

Mga Bilang 31:2 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Ipanghiganti mo ang mga anak ni Israel sa mga Madianita; pagkatapos nito'y malalakip ka sa iyong bayan.