Mga Bilang 3:9 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Bilang 3:9 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang tanging tungkulin ng mga Levita ay ang tumulong kay Aaron at sa kanyang mga anak sa gawain nila sa Toldang Tipanan.
Mga Bilang 3:9 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Itatalaga ang mga Levita para kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Sila ang inilaan mula sa mga mamamayan ng Israel na magsilbi at tumulong sa kanila.
Mga Bilang 3:9 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang tanging tungkulin ng mga Levita ay ang tumulong kay Aaron at sa kanyang mga anak sa gawain nila sa Toldang Tipanan.
Mga Bilang 3:9 TLAB (Ang Biblia)
At iyong ibibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak: sila'y tunay na ibinigay sa kaniya sa ganang mga anak ni Israel.
Mga Bilang 3:9 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
At iyong ibibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak: sila'y tunay na ibinigay sa kaniya sa ganang mga anak ni Israel.