Mga Bilang 3:4 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Bilang 3:4 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit sina Nadab at Abihu ay namatay sa harap ng altar sa Bundok ng Sinai nang magsunog sila ng handog kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy na hindi itinalaga para roon. Wala silang anak kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang pari habang nabubuhay ang kanilang ama.
Mga Bilang 3:4 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ngunit sina Nadab at Abihu ay namatay sa harapan ng PANGINOON nang gumamit sila ng apoy na hindi dapat gamitin sa paghahandog sa PANGINOON doon sa disyerto ng Sinai. Namatay silang walang anak, kaya sina Eleazar at Itamar lang ang naglingkod bilang mga pari habang nabubuhay pa si Aaron.
Mga Bilang 3:4 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit sina Nadab at Abihu ay namatay sa harap ng altar sa Bundok ng Sinai nang magsunog sila ng handog kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy na hindi itinalaga para roon. Wala silang anak kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang pari habang nabubuhay ang kanilang ama.
Mga Bilang 3:4 TLAB (Ang Biblia)
At si Nadab at si Abiu ay nangamatay sa harap ng Panginoon, nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon, sa ilang ng Sinai, at sila'y hindi nagkaanak: at si Eleazar at si Ithamar ay nangasiwa sa katungkulang saserdote sa harap ni Aaron na kanilang ama.
Mga Bilang 3:4 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))