Mga Bilang 10:2 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Bilang 10:2 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
“Magpagawa ka ng dalawang trumpetang yari sa pinitpit na pilak. Gagamitin mo ang mga ito sa pagtawag ng pagpupulong ng taong-bayan o kung kailangan nang magpatuloy sa paglalakbay ang buong Israel.
Mga Bilang 10:2 ASD (Ang Salita ng Diyos)
“Magpagawa ka ng dalawang trumpetang pilak, at gamitin mo ito para tipunin ang mga tao at ihanda sila sa paglalakbay.
Mga Bilang 10:2 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Magpagawa ka ng dalawang trumpetang yari sa pinitpit na pilak. Gagamitin mo ang mga ito sa pagtawag ng pagpupulong ng taong-bayan o kung kailangan nang magpatuloy sa paglalakbay ang buong Israel.
Mga Bilang 10:2 TLAB (Ang Biblia)
Gumawa ka ng dalawang pakakak na pilak; yari sa pamukpok gagawin mo: at iyong gagamitin sa pagtawag sa kapisanan, at sa paglalakbay ng mga kampamento.
Mga Bilang 10:2 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))