Lumaktaw sa nilalaman

Mikas 2:2 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mikas 2:2 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Kapag nagustuhan nila ang lupa ng may-lupa, kinakamkam nila ito. Inaapi nila ang mga tao sa pamamagitan ng pandaraya upang maalipin nila ang pamilya ng mga ito at masamsam ang kanilang mga ari-arian.

Mikas 2:2 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Inaagaw ninyo ang mga bukid at mga bahay na inyong nagugustuhan. Dinadaya ninyo ang mga tao upang makuha ang kanilang bahay o lupaing minana.

Mikas 2:2 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Kapag nagustuhan nila ang lupa ng may-lupa, kinakamkam nila ito. Inaapi nila ang mga tao sa pamamagitan ng pandaraya upang maalipin nila ang pamilya ng mga ito at masamsam ang kanilang mga ari-arian.

Mikas 2:2 TLAB (Ang Biblia)

At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana.

Mikas 2:2 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))