Mateo 3:2-3 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mateo 3:2-3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Ganito ang kanyang sinasabi, “Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit!” Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya, “Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’”
Mateo 3:2-3 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sabi niya, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan, dahil malapit na ang paghahari ng Langit.” Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya: “May sumisigaw sa ilang na nagsasabi, ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon, tuwirin ninyo ang landas na kanyang lalakaran.’ ”
Mateo 3:2-3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ganito ang kanyang sinasabi, “Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit!” Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya, “Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’”
Mateo 3:2-3 TLAB (Ang Biblia)
Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit. Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
Mateo 3:2-3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))