Mateo 3:12 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mateo 3:12 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Hawak na niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya sa kamalig ang trigo ngunit ang ipa ay susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.”
Mateo 3:12 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Tulad siya ng isang taong nagtatahip para ihiwalay ang ipa sa butil ng trigo. Titipunin niya ang mga butil sa kamalig, ngunit ang ipa ay susunugin niya sa apoy na kailanmaʼy hindi mamamatay.”
Mateo 3:12 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hawak na niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami. Titipunin niya sa kamalig ang trigo ngunit ang ipa ay susunugin sa apoy na di mamamatay kailanman.”
Mateo 3:12 TLAB (Ang Biblia)
Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, at lilinisin niyang lubos ang kaniyang giikan; at titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan, datapuwa't ang dayami ay susunugin sa apoy na hindi mapapatay.
Mateo 3:12 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))