Mateo 24:2 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mateo 24:2 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay iguguho!”
Mateo 24:2 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Sinabi ni Hesus, “Nakikita nʼyo ba ang mga ʼyan? Sinasabi ko sa inyo ang totoo, magigiba ang lahat ng ʼyan at walang maiiwang magkapatong na bato.”
Mateo 24:2 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay iguguho!”
Mateo 24:2 TLAB (Ang Biblia)
Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.
Mateo 24:2 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))